MUSIC DIVISION
By: Clark Bartolome
Pinilit mang hilahin ng kama
Pero hindi parin nag padala at sumama
Sinubukang tumayo upang masilayan ang umaga "TB summer workshop na!" yan ang pandinig ng tainga.
Ngayong umaga ako'y maliligo na
Para magising naman ang aking dugong tulog pa
Umalis ng bahay at sumakay na
Para hindi mahuli sa pangalawang araw na maganda
Ngayo'y malapit na ako
Nakita kong umakyat na ang mga kasamahan ko
Nagmamadali dahil malalate na ko
Nakakahiya Muntik pang madapa "ang tanga ko"
Hingal na hingal dahil sa kakatakbo
Pano ba naman haggang 5th floor ang inakyat ko
Pero tanggal naman ang pagod ko
Nang makita ko uy! Ang daming tao dito
Isang magandang tinig
Ang aking nadinig
Kumakabog ang aking dibdib
Sa room 513 ay yumayanig
Kumanta, nag pakilala at sila'y nagturo na
Mga bagong kaalaman sa pagkanta Ay itinuro na nila
Sa pag iisa-isa ako'y kinakabahan na
Dahil ang talento ko ay hindi kasing taas nila
Sa aking pagkanta, hindi ko to hilig talaga
Ngunit gusto kong matuto kaya naintindihan nila
Nagulat ako na kaya ko pala
Malamig na tinig na meron sila
Umawit ang mga chorale na aming naririnig
Sabawat pagbuka ng bibig
Lumalabas ang mga tinig
Na ito'y malalamig
Tapos na ang workshop para sa umagang ito
May susunod dito comedy pala ito
Halika tumayo na kayo
Ako'y nagugutom na
Tara labas natayo
![]() |
| LPU Tanghalang Batingaw & LPU Chorale |
![]() |
| LPU Tanghalang Batingaw & LPU Chorale |
![]() |
| LPU Tanghalang Batingaw & LPU Chorale |
#TBSummerWorkshop2014
#Day2
#LPUTanghalangBatingaw
#LPUChorale
#MusicDivision
ACTING DIVISION
By: Beverly Cumla
Unat ng mga braso, kusot ng mata, buhat ng katawan. Another wonderful day for me to wake up. Ang bigat ng katawan ko but I'm expecting a lot for this April 21, 2014, my 1st day of Tanghalang Batingaw Summer Workshop, so its a big NO sa katamaran, push lang because I know that this is a big opportunity, God has provided for me.
ACTING WORKSHOP. Ito ang pinaka gusto ko sa lahat ng iwoworkshop actually. Lalo na nung malaman ko na si Kuya Aldo ang mentor. Lalo akong ginanahan. Isa kasi sya mga hinahangaan kong actor. At first, akala ko walang bago. Akala ko the same tactics nanaman ang gagawin to enhance our skills for acting. But NO. This time, full of excitements! Full of fun and so much activities have done! From warm up to the lectures, exercises until the end, di nawalan ng thrill! Sobrang sarap sa pakiramdam na masaya ka sa ginagawa mo plus package pa because you learned something from it. At patuloy kang matututo kung patuloy mong gagawin ang nagpapasaya sayo.
Sobrang glad pa 'ko nung awarding na, unang sinabi ang pangalan ko na nag stand out per division and I got the code name given by kuya Aldo : "Palangiting bata" for Acting Workshop. I never did expect na makakakakuha ako ng award, dahil in the first place, di ko alam na may ganto pala. Di ko alam na mapapansin ako. I just enjoyed the whole time then after all those things pala, biglang may blessing na mag pa-pop up! Wow! Thankyou Lord!
I don't have any reason to regret nang umattend ako ng 1-week workshop na 'to of Tanghalang Batingaw. Bukod sa mga natutunan, I experienced a lot of happiness and surprises! I thank my mentor, Kuya Aldo for choosing me to be the best participant of his division and of course, my Father in heaven for giving me this opportunity for meeting such a very talented man that would give me an extra ordinary skills on how to enhance mine through his experiences.
At syempre, hindi mangyayari ang lahat ng 'to if there's no real family like what I proudly have, TANGHALANG BATINGAW!
Sobrang thankful and blessed ako for having them.
One word to say for our Summer Workshop : BITIN.
![]() |
| With Kuya Aldo (mentor) |
![]() |
| With Kuya Aldo (mentor)
#TBSummerWorkshop2014
#Day1
#LPUTanghalangBatingaw
#ActingDivision
|
PRODUCTION PROCESS
By: Arcie Palencia
Ang isang linggo ay napaka iksi para matutunan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa teatro. Pero ng dahil sa Tanghalang Batingaw Summer Workshop, natutunan ko ang mga ito. Pag mula sa mga sining hanggang sa mga proseso ng pag-buo ng isang production o paper works.
Mas lumawak pa ang aking kaalaman sa sining arte sa tulong ni Kuya Aldo. Natutunan ko ang mga bagay na dapat isaalang-alang pag dating sa pag arte sa teatro. Ganun din naman sa sining musika sa tulong ng LPU Chorale, hindi ko inakalang marami rin palang preperasyon na ginagawa ang mga mangaawit bago kumanta. Hindi rin pala biro ang pag kanta, gaya nalamang ng comedy arte, tunay ngang hindi madali ang pagpapatawa ng tao. Lalo na ngayon at usong uso na ang mga pambabara at pamimilosopo. Pero salamat kay Kuya Bogs at nalaman namin ang mga estratihiya kung pano mo mapapatawa ang mga tao. Sining sayaw, ang sining na talaga namang gustong gusto ko. Pero ibang iba ang sayaw na ginagamit sa teatro, at dahil kay Ate Thet natutunan ko ang mga ito. Akalain mo nga nama't kaya ko pala ang mga gunung klase ng sayaw? Mula sa hiphop na galawan patungo sa malambot at malumanay na sayaw, napaka laking pagbabago.
Sining manunulat, ang pinaka mahirap na sining para sa akin. Pero dahil sa tulong ni Kuya/Sir Nippon, nalaman ko ang mga mahahalagang bagay para makabuo ka ng isang istorya. Sining disenyo, sa gabay ni Ate Jod. Sa totoo lang ay hindi talaga biro ang pag didisenyo o pag gawa ng set at props, dahil bukod sa mga actor, isa ito sa mga nag-papaganda at nag bibigay buhay sa isang stage play. Kaya't hindi dapat 'puchu-puchu' o 'bara-bara' ang pag-gawa nito. At ang huling sining, sining teknikal. Ito ay isa rin sa mga nag bibigay buhay sa stage play. At hindi ko inakalang napakarami palang tawag sa mga ilaw. Follow spot, cyclorama, autolights, flood light at marami pang iba. At nalaman ko ang mga yan kay Kuya Deej.
Nalaman ko rin ang tungkol sa mga paper works at pag buo ng isang production sa tulong nina Kuya Nikko at Kuya Tiny. Labis akong natuwa sa mga naituro nila. At dahil din dito ay nawala ang takot ko sa mga paper works na masakit daw sa ulo. Nalaman kong hindi nga biro ang pag buo ng isang production pero ito'y mapapadali kung may nalalaman ka. At dahil sa aking pagkabibo sa mga oras na iyon, naparangalan ako bilang "Pinaka mahusay sa Production Process". Ito'y labis kong ikinatuwa, at lalo pa ng bigyan ako ni Kuya Tiny ng Norri paper from singapore bilang reward. Na sya ring aking naging title "Norri". Hahaha!
Sobrang laki ng naitulong ng workshop na ito sa akin bilang isang theater actor. At ito'y hindi lang puno ng karunungan kundi puno rin ng saya at katatawanan kasama ang aking maituturin na pamilya, ang Tanghalang Batingaw. Kaya naman sulit talaga ang isang linggong pagod at sakit ng katawan.
![]() |
| With Kuya Tiny, B35 (mentor) |
![]() |
| With Kuya Tiny, B35 (mentor) |
#TBSummerWorkshop2014
#Day4
#LPUTanghalangBatingaw
#ProductionProcess
PLAYWRIGHTS DIVISION
By: Justin Santiago
By: Justin Santiago
Walang
taong di marunong mag-sulat. Yan ang sinabi nang aming mentor na si Sir Nippon
Denzo, miyembro nang Tanghalang Batingaw, na nag tapos sa De La Salle
University. Ayon sa kanya di siya sumali nang iba pang theatre orgs dahil meron
siyang “pusong batingaw”. Si Sir Nippon ay nakapag sulat nang hindi mabilang na
mga dula, tula at marami pang iba. Siya ay nag-stay sa LPU nang isang semestre
at lumipat sa DLSU at kumuha nang kursong Communication Arts.
Sa nakaraan Summer Workshop na inihanda nang Tanghalang Batingaw marami kaming
natutunan sa kanya lalo na’t kung paano magamit nang maayos ang Scene
Transition at ang pagamit nang Character Arc na isa sa pinakamalaking tulong sa
pagbuo nang isang kwento.
Lahat nang tao ay mahilig mag-kwento. Makakita lang nang isang bagay na
nag-paanting sa iyo ay nai-sasabi mo sa mga kaibigan,magulang o kahit sa mga
social networking sites gaya nang Facebook at Twitter. Walang pinagkaiba ang
pagsulat nang istorya sa pagkukuwento o pag-chika sa mga kakilala mo.
Ang ating imahinasyon ay walang hanggan.
Ito ay isang bagay na hindi pwede ipagkait saiyo ninuman. Ito rin ang
nagbibigay satin nang inspirasyon dahil ang ating imahinasyon ay pwedeng
pagkuhanan nang ating mindset sa araw araw na gigising ka.
Kaya laking pasasalamat ko sa aming guro na si Sir Nippon muli akong ginanahan
at balak ko pa sundan ang aking naisulat na stageplay. Itutuloy ko rin ang
pagsulat ko nang mga tula dahil naniniwala ako na malaking bagay sa ating mga
Pilipino ang mga literatura na ating nilalagda dahil mas makikilala tayo bilang
magagaling na manunulat.
Ang pagsulat nang istorya ay isang bagay na pwede mo ibahagi sa lahat nang tao.
Sa simpleng letra na sinusulat mo ay pede makapag –bago nang isang buhay. Sa bawat
pantig sa isang salita ay napakalaking impluwensya sa lahat, lalo na sa mga
bata na nagpupursige matutong magbasa. Dahil ang kwento na ating binabahagi, ay
ang kwento nating lahat na Pilipino.
![]() |
| With Sir Nippon Denzo (mentor) |
![]() |
| With Sir Nippon Denzo (mentor) |
#TBSummerWorkshop2014
#Day4
#LPUTanghalangBatingaw
#PlaywrightsDivision
ACTING DIVISION (COMEDY)
By: Clark Bartolome
Dahil Ala una na
Ang lunch break ay tapos na
Comedy workshop na
Ito'y maganda sana
Kami ay nandito
Nagsisimula na ito
Kailangan maging bibo
Para sa workshop na ito
Ibat ibang uri ng comedy itinuro na ni
kuya
Habang nagpapatawa pa siya
Kami naman ay tuwang tuwa sakanya
Dahil Sa mga sinasabi niya
Activity sa pag tawa
Hala! Kaya ko ba?
Halata kasi akong pekeng tumawa
Hala! Ito'y nag sisimula na
Isang HA sa una
Hanggat ito'y dumalawa na
At ito'y pabilis ng pabilis na
Hala! nakaya ko pala
Activity for improvisation
kami ang kumuha ng partner at nag
disisyon
Pumunta sa ginta at mag patawa ngayon
Humanda kayo sa pag tawa at kami ay
gagawa ng aksyon
Iniarte, nagpraktis nahirapan medyo
Nababagay Para sa kantang ito
Kailangan nakakatawa at Maging music video
At sila'y mapatawa sa ginawa namin sa
loob ng room na ito
At meron activity uli
Kami ay nagkakamali mali
Kami ay nagkamali muli
Gawin natin tama dali
Mala going bulilit ang joke namin
Yung iba ay tumatawa samin
At kahit corny ang joke namin
Kami ay masaya parin
Kami ay nag papasalamat kay kuya
Dahil tinuruan kami niya
Ang dami naming natutunan sa kanya
At sa pagpapatawa kami ay nagkaroon ng
bagong idea
![]() |
| With Kuya Bogs, B30 (mentor) |











0 comments:
Post a Comment